Add parallel Print Page Options

26 Ito ay sapagkat kung makamtan man ng isang tao ang buong sanlibutan ngunit mapahamak naman ang kaniyang kaluluwa, ano ang pinakinabangan niya? Ano ang maibibigay ng isang tao bilang katumbas ng kaniyang kaluluwa? 27 Ito ay sapagkat paparito ang Anak ng Tao sa kaluwalhatianng kaniyang Ama, kasama ng kaniyang mga anghel. Gagan­timpalaan niya ang mga tao ayon sa kanilang mga gawa. 28 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: May ilan sa inyo na nakatayo rito ang hindi makakaranas ng kamatayan hanggang hindi nila makita ang Anak ng Tao sa kaniyang paghahari, sa kaniyang pagdating.

Read full chapter